Simula pa lang kaninang hatinggabi, Joe D'Mango na ang drama ko sa Internet.
Paano ba naman, nagsunod sunod ang pagbibigay ko ng payo sa ilang mga kaibigang nagkakaroon ng hang-ups sa kanilang mga naudlot na relasyon. Kasabay dun ang pagpasok ng mga nakakatuwang mga kwento ng mga binatang nagbreak, nakahanap ng date, iniwan ang date, bumalik sa dating boyfriend, at sumirko sirko sa buhay pag-ibig ng mga bading.
Kunsabagay, kung noon ay sarado ang utak ko sa mga maaring possibleng outcome ng mga relasyon, ngayon tanggap ko na ang lahat. Gaano man kalalim o katagal ang isang relasyong mag-buddy, sa huli maari rin itong mawala o kaya magulo, kung hindi man sumirko sirko at tumambling sa ere. Maaring sa pagdaan ng panahon ay lumabnaw rin ang pagmamahalang iniukol ng isang lover sa kanyang partner.
Heto ang mga storya nila:
---
Si Mayong (Di Tunay Na Pangalan) ay nakipagbreak sa kanyang boyfriend ilang buwan na ang nakakaraan. Sa sobrang tagal na nun, hindi ko na matandaan kung ano ba ang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Ang alam ko lang, devastated tong si Mayong. Kahit ilang beses ko pa sabihin sa kanya na mataas ang market value niya, (dahil na rin sa kanyang kagwapuhan, propesyon at antas sa buhay) ayaw pa rin niyang maniwala.
Kwento niya sa akin, nabalitaan daw niya na yung ex niya eh pilit nakikipagbalikan sa ex-lover niya bago siya. Inamin niya sa akin na medyo feeling nagago daw siya. Pakiramdam nitong kaibigan kong ito ay nagamit lang daw siya ni lalaki.
---
Ang ikalawang liham naman na natanggap ko ngayong araw ay galing kay Andong. (Di Pa Rin Tunay Na Pangalan) Sa kanya na rin mismo nanggaling na break na sila ng kanyang long-time boyfriend. Ako naman, sampu ng mga kasama ko ay napapakiramdaman na ang mga pangyayari. Siguro, bilang respeto na lang sa kanila, pinili naming manahimik at magpretend na parang walang nangyari.
Sabi niya sa akin, simula daw ng maghiwalay sila ay puro kalungkutan na lang ang inabot niya sa buhay. In his words, he feels bad about it. Dagdag pa niya sa akin, nagseselos daw siya kapag nakikita niya si ex kasama ang kanyang bagong boylet - nasisira daw ang araw niya kapag may nabalitaan siya tungkol sa dating lover niya.
Sa kabila ng kanyang nararamdamang kalungkutan, sinubukan rin nitong kaibigan kong itong mag-move on at maghanap ng iba. Ngunit sa kasamaang palad, binasted siya ng lalaking pinaka-iibig niya. Sabi ni lalaki, hindi pa daw siya handang pumasok sa isang relasyon at natatakot siyang masaktan ang kaibigan ko.
---
Ang ikatlo naman ay hindi liham kundi nabasa ko lang sa isa sa mga blog. Hetong si Binong (Di Pa Rin Tunay Na Pangalan) ay tunay nga namang biniyayaan ng kagwapuhan. Sa hitsura niya, di malayong makahanap siya ng lalaking iibig sa kanya. Maganda naman ang kanyang istorya, higit pa dun, tanggap ko na na talagang ganun lang siya talaga - habulin ng mga bading. Kaya hayun, makulay rin ang buhay niya. Sa sobrang kulay, wala ata sa mga kaibigan ko ang makakatapat sa kanya.
Nagkita kami noong nakaraang buwan kasama pa ang kanyang huling maybahay. Hindi ko na ieemphasize, ngunit kilala ko ang maybahay niya. Matapos kaming mag-usap ni maybahay, nalaman kong wala na sila noong mga sumunod na araw. Muli kaming nagkita ni Binong sa isang tanyag na kanto sa Malate, sabi niya may date daw siyang bago. Pramis mga kapatid, wala pang dalawang linggo mula nang magbreak sila ng kanyang may bahay ng ipinahayag niya ito.
Kung hindi ako nagkakamali, medyo steady na daw sila nitong bago niyang date. Yun nga lang, tutulak sa ibang bansa hetong ka-date niya kaya walang kasiguraduhan tungkol sa kahihinatnan ng kanilang relasyon. Siguro, sinasamantala ni Binong ang mga sandali... maari rin namang umaasa siyang matatagalan niya ang isang long-distance na relasyon... yun ang hindi namin sigurado.
Nitong umaga, nabalitaan ko na noong nakaraang dalawang linggo ay may bagong na-meet itong si Binong. Nagsimula daw ang kanilang kwento sa manaka-nakang landian noong gabing nagkita sila, hanggang sa nauwi ang eksena sa bahay ng kanyang nakilala. Feeling nitong ating bida, walang mangyayari kasi merong ka-long distance itong kanyang pinopormahan. Yun nga lang, mukhang nagkakalabuan na itong dalawang magkasintahan kaya timing ang entrada ni Binong sa buhay ni lalaki.
Ang katapusan, nangyari ang dapat mangyari ng sumunod na araw. Matapos ang ilan pang mga araw ay nagbreak rin ang magkasintahan. Matapos ang isang buwan mula ng makipaghiwalay si Binong sa kanyang maybahay, heto't may ka-live in na siyang bagong papa.
---
Ang huli ay karugtong lamang ng mga nagdaang kwento nitong huli nating tampok sa entry na ito.
Kinababaliwan ni Ding (Hindi Pa Rin Tunay Na Pangalan) ang isang binatilyong callboy na nakilala niya sa isang mall isang taon na ang nakakaraan. Hetong si Ding ay isang professional na may angking rin namang kagwapuhan... pero pinili niyang ilaan ang kanyang pag-ibig sa isang disi-syete anyos na jologs. Kumbaga, kahit anong bata pa nitong si Ding, lalabas at lalabas din siyang sugar daddy ng isang lalaki.
Masyadong kumplikado at sakit ng ulo ang kwentong pag-ibig nitong si Ding. Ngunit noong nakaraang Disyembre, nakumbinsi ko siyang iwanan ang kanyang boylet para humanap ng ibang magmamahal at magpapaligaya sa kanya. Sa katunayan, pinilit kong ibugaw sa kanya ang isa ko pang kaibigan na si Dong. Ngunit ng huli, naramdaman ni Dong na hindi sila bagay ni Ding.
Nakatagal si Ding ng ilang buwan na single at hindi naghahanap. Ngunit sa totoo, hindi nawala ang contact niya sa kanyang boylet - sa tulong na rin ng mga katropa nitong mga callboy rin. Bandang Marso, nagdecide na bumalik ulit si Ding sa kanyang boylet... habang ako naman na kanyang tagapayo ay nagsimulang umatras upang huwag maging sagabal sa kanyang mga hiling.
Nitong nakaraang lunes, nagtext sa akin si Ding. Kwento niya, balak daw niya ibenta ang kanyang boylet kay Dong. Alam ko namang biro lang yun. (in truth, alam kong parang test-tesan lang yun dahil nakwento rin sa akin ni Dong ang mga balak ni Ding) Sabi ko na lang kay Ding na hindi type ni Dong ang mga junjunin. Naikwento rin sa akin ni Ding na higit na naging provider siya ng lalaki mula ng mamatay daw ang lolo ng binatilyo.
---
To quote:
"Ang pag-ibig nga naman,
kapag nasok sa puso ninuman
hahamakin ang lahat,
masunod ka lamang."
Sadyang ganun ata ang kwento ng pag-ibig sa pagitan ng lalaki sa lalaki. At shempre, hindi pa kabilang dito ang mga iba pang kwentong nasagap ko kung saan saang lupalop ng sangkabaklaan.
Gaya pa rin noong nagsisimula ako, marami talaga ang naghahanap ng boyfriend. Pero ewan ko ba, kung alam ng mga bading ang hinahanap nila. Sa kwento pa lang sa itaas, may tunog na ng kumplikasyon ang buhay ng mga nagsiganap. Totoo, masarap ang may kahati sa buhay. Totoo lalo na mas masarap ka-sex ang taong mahal mo.
Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi basta basta ang isang relasyon.
Hindi ata biro ang ma-involve ang emosyon mo sa isang tao ha.