Wednesday, July 5, 2006

Mint Poetry (Intro)

Kagabi, naisipan kong i-reorganize and lahat ng files at documents ko sa PC na sinulat ko noong ako'y nasa kolehiyo pa. Ang mga nasabing documents ay naglalaman ng mga write-ups, feature stories, profiles, mga binastardong reviews at sangkatutak na mga kalat na magpapaalala sa akin na ako'y dati ng manunulat. Hindi man kagalingan at puno ng kapalpakan, ngunit, kahit paano, ang mga documents na yun ang magpapatunay na ang pagsusulat ay isang ebolusyon, hindi ito basta makukuha ng isang tirada lang.

Sa aking pagbubuklat ng mga word files, nadiskubre ko ang isa mga password-protected documents na isinulat ko noong 2002. Matapos ang ilang ulit na pagpupumilit ilagay ang tamang password, nabuksan ko rin ito sa wakas. Ang nilalaman pala nito ay aking mga angst... noong ako'y nagsisimula pa lang sa ganitong pamumuhay.

---

Lately, upang ma-divert ang attention ko sa aking mga pangsariling isyung kinakaharap , pinili kong ibahagi ang aking nalalaman tungkol sa pag-ibig at buhay PLU sa ibang mga tao. Sa pamamagitan ng pag-sali sa usapan sa mga online forums. Karamihan sa kanila, positibo ang response sa aking mga payo. Merong ilan na kumokontra. Ngunit ang higit na nakakataba ng puso sa lahat ay yung masabihan ka na bilib sila sa mga payo mo... na ang tingin nila sayo ay mature at marunong sa ganitong pamumuhay.

Kung alam lang nila ang mga pinagdaanan ko.

Sa pagbuklat ng aking nakaraan kagabi, narealize ko na kung meron man akong madalas kasagutan sa mga problemang kinakaharap ng mga PLU na natutulungan ko, ito'y dahil may isang panahong ako rin ay dumaan sa mga pagsubok na iyon. Hindi man naging madali ang mga bagay para sa akin. At least, apat na taon mula noong mga panahong iyon, sinong hindi mag-aakala na sa maraming pagkakataon, iyon din ang naging gabay ko sa tuwing nagpapagamit ang aking puso.

I had my own days... I got hurt but I learned from my own follies.

Monday, July 3, 2006

Sa Panahon Ni Pulsar

Isang gabi sa aking isipan...

---

Darkstar:
Mukhang slow ka ata ngayon. Nasaan na ang mga pinagyayabang mong lalaking nagfliflirt sayo sa G4M?

Joms:
Andun, minsan minsan nagpaparamdam. Ang kulit nga eh, hindi ko naman pinapansin madalas pa rin ang pagsend ng invitations for hook-ups saken.

Darkstar:
Top naman diba? Bakit indi mo patulan. Tagal mo na ring walang matinong sex ah?

Joms:
Ewan ko ba, parang biglang nawala ang libog sa akin eh.

Darkstar:
Wag mo sabihing nagpapaka-lesbyana ka na naman? Kelan ka ba nagkainteres sa babae?

Joms:
Paano ako magiging lesbyana eh kakapost ko lang ng picture ng lalaki sa isang entry ko?

Darkstar:
Gusto mo siya no? Imaginin mo, katabi mo siya sa kama mamaya? Anong gagawin mo?

Joms:
Honestly, ewan. Matutulog siguro. Kung hindi man, pagsasawaang tingnan ang kanyang katawan para ganado ako mag-gym bukas.

Darkstar:
Eh bakit mo pinagkalat kay Lilay* kanina na may nakita kang bagong cute sa G4M?

Joms:
Totoo namang cute siya ah! Kako gusto kong maging ganun ang katawan ko balang araw.

Darkstar:
At pag ganun na ang katawan mo, anong gagawin mo?

Joms:
Ewan ko, ipangdidisplay lang siguro?

Darkstar:
Gagew! Bentang benta ka sa mga top na kinababaliwan mo non. Bakit hindi mo samantalahin ang panahon?

Joms
: Dahil hindi mo season ngayon?

Darkstar:
Ganon. So anong gusto mong sabihin? Wala na ako sa buhay mo?

Joms:
Parang ganun. Naka-hook up nga ako, hindi ikaw ang tinawag ko eh.

Darkstar:
Sino?

Joms:
Wala. Ginusto ko eh. Tapos.

Darkstar:
Anong balak mong gawin sa G4M account mo ngayon? Balita ko, may mga tinanggal kang sexual details tungkol sayo ah.

Joms:
Makipagkaibigan.

Darkstar:
Marami ka nang kaibigan diba?

Joms:
Eh gusto ko pang makipagkaibigan eh. May magagawa ka ba?

Darkstar:
Sex, ayaw mo.

Joms:
Wala akong gana.

Darkstar
: Kabit, baka naghahanap ka. Alam ko problemado ka nitong mga nakaraang araw sa kanya diba? Problemado ka naman lagi eh.

Joms:
Sira: Ilang beses ko ba sinabi sayo na hindi ako mananakit ng may puso ng may puso. Kung second priority niya ako, fine. Kaya kailangan ko ng maraming kaibigan.

Darkstar:
Okey. Sigurado ka na ba jan sa desisyon mo.

Joms:
Bigyan mo ako ng tatlong buwan. Kahit nga Mag-malate nagdadalawang isip na ako eh.

Darkstar:
So iwas BED muna?

Joms:
Iwas BED muna. Wala akong day-off diba?

Darkstar:
Paano ang mga kinakatakutan mong mga bagay?

Joms:
Kung dumating, edi dumating. Sa totoo ayaw kong isipin yun. Pag naiisip ko, lalo akong nanghihina.

Darkstar:
Kaya ba slow ka ngayon?

Joms:
Isang dahilan yun.

Darkstar:
Wag na nga natin pag usapan.

Joms:
Mabuti pa nga, ginagawa mo akong psycho eh.

Darkstar:
Edi paano, low profile muna ako ngayon? Tawagin mo naman ako pag kailangan mo ako para may backer ka ulit. Miss ko na ang mga happenings natin eh.

Joms:
Sure. Basta ikaw. Siguro kapag sparring partner kita, ginapos mo na siguro ako.

Darkstar:
Ulul. Ikaw ang gagapos sa sarili mo?

Joms:
Gusto mo may blindfold pa eh. Hehe.

Darkstar:
Taena, adjourn na nga tayo. Pati ako nilalandi mo eh.

Joms:
Tagal ni Pulsar eh. Nasan na ba yun.

Darkstar:
Basta sibat na ako. Hanggang sa muli tsong.

Joms:
Sa muling pagtawag kaibigan...