Sunday, July 3, 2005

Re-Emergence of J-Control/Pulse

This is an Emergency Broadcast.

---

Ang hirap talaga kapag sobrang dependent ka sa PC mo. Masira lang, parang pagsasakluban ka ng langit at lupa.

For the nth time, tinakbo ko na naman ang PC ko kahapon sa Gilmore para sana papalitan ng powersupply yung CPU ko dahil hindi na gumagana ang fan nito.

Nasa 1000 lang ang budget ko para sa upgrade kong yun, at since yumaman na rin sakin ang PC Express kakapa-upgrade ko sa kanila, confident na ako na walang mangyayari sa PC ko.

Efficient naman ang pagpapalit ng power supply. Bilib nga ako sa gerlet na nagpalit eh kasi naman sobrang swabe niya magdikit dikit ng wiring na nagsusupply ng power sa mga components.

Ok na sana. For testing na lang yung PC ko ng biglang, pagkapindot ko ng ON button,

Shit ayaw magreboot ng PC Ko!!!

---

Dun pa lang alam kong may problema na. Di ko nga lang alam kung anong component ang bumigay sa computer ko.

Feeling ko talaga, parang nasa Emergency Room ako na nagpapanic sa isang bagay na sobrang importante sakin.

Tingin ko sa PC ko eh parang isang tao na sobrang close sakin at nasa stretcher na nirerevive ng mga technicians dahil sa power blackout at intermittent power restoration na nangyayari sa loob ng computer ko.

Ang nangyayari kasi, kapag kinakabit yung main cord sa motherboard, nagstastart yung computer ko, samantalang kapag dinagdag na dun yung mga cables para sa ibang components ayaw nang magwork ng computer ko.

Ganun at ganun ang nangayari at basang basa mo sa mga mukha ng mg technician na hindi nila alam kung ano ang gagawin.
Paulit-ulit yun hanggang sa dumating kami sa point na sinabi na lang nung technician na

----
"Sir wala na sa amin ang problema, may tama na ang computer niyo."
----

Nang sinabi yun nung technician, parang binagsakan ako ng isang napakalaking asteroid sa ulo.

At that moment, gusto kong maiyak at maglupasay dun sa waiting area ng computer shop. Feeling ko, heto dapat yung naging expression ko nung nalaman naming hopeless na ang case ni papa sa PGH eh. Pero doon sa case ni papa, alam ko na na hopeless ang case niya kaya para wala lang sakin kung matsugi lang si daddy at least wala na akong proproblemahin kung maging gulay man siya pag nabuhay.

Pero kagabi, parang matter of life and death talaga ang impact sakin ng nangyari. Para bang hindi ko matatanggap na wala akong computer ng mahabang panahon kapag hindi nagawa yung PC ko kagabi. Ang masaklap pa dun, baka hindi ko pa mauwi yung computer ko dahil medyo gumagabi na at uwian ng rin ng mga technicians.

---

Pero hindi ako nagsayang ng isang sandali.

Lumitaw rin yung isang hidden personality ko na kapag nasa sobrang pressure, kaya kong mag-instruct sa mga tao ng kung ano ang gusto kong mangyari to the point na hindi sila makakapagsabi ng hindi sa ano ang gusto ko.

In short, closet authoritarian ako at rarely lang yun lumitaw sa personality ko.
Sabi ko sa technician,
---
"If I need to buy a new motherboard just to make my PC work so be it, I need my PC tonight because I need to finish a report!"
---

Pero shempre, chorva lang report na yun. Di ko lang talaga feel lumipas ang gabi ng wala akong PC sa kwarto.

At ang gerlash na technician naman, kumaripas ng takbo papunta sa sales department.
Since in 3 months time eh target ko na rin namang magbago ng processor kaya hayun, pati processor ng PC ko binili ko na.

Sa loob lang ng tatlong oras, ang 3-year phase upgrade ko ng computer na ninakaw ko sa opisina ni papa noon ay natapos rin.

at a very hefty price.
Three months ko rin babawiin yun sa emergency fund. At maaring maapektuhan ang Malars gimik ko dahil sa nangyari.

Well siguro na lang kung, makahanap ako ng raket na magpapadagdag ng extra income ko.
Baka hindi rin naman masira ang gimik ko every friday.

---

Natapos ang gabi at nabuo rin ang computer ko.

At the end, nagkaroon ako ng Pentium4-2.8 ghz na processor including pa dun yung mga super high tech na video card at sound card, pati na rin dvd-burner at ddram na noon pa lang eh pinagsayang ko na ng pera para sa oras na ito.

Kung dati, sabi nila class A ang computer ko, ngayon confident akong utot na lahat ng PC na nakita ko sa mga internet cafe. Sa sobrang hi-tech ng pagka-upgrade ko, pati Sims2 kering keri na ang pag-loload.

Pero... hindi ganun kadali ang naging price sakin ng nangyari.

Hanggang ngayon guilty pa rin ako dahil naglabas ako ng 13K para lang dito.

At hanggang ngayon, may hardware conflict pa rin yung modem ko pati na rin yung soundcard at motherboard dahil erratic magbasa ang PC ko pagadating sa modem, worse pa dun, deins ako pwede magpatugtog ng mp3 dahil kina-crash niya yung buong system kapag ginawa ko yun.

Lastly, dahil nga sobrang unstable ng unit ko, heto ako, Nagmamadali at nananalangin na sana hindi mag-crash ang bagong upgraded na computer ko para makapag-update ako ng entry. Hopefully by next week matugunan ko na ang remaining problems nitong PC ko.

---

Pero bago ko tapusin itong entry ko.

Gusto ko lang i-share na kagabi, habang buhat buhat ang malaking CPU ko patungo sa FX ni mama, merong dalawang gwapo na guys na biglang inapproach ako para buksan yung pinto ng sasakyan.

Ako naman, super touch kasi may nagpaka-gentleman sakin. At wag ka, yung nagpaka-gentleman na yun at yung kasama niya ay obviously

Kalahi ko.

Sa damit pa lang at porma, halatang aatak ng malars pagdating ng gabi. Pagkaalis ng nung mga binatilyo, tinanong ako ng utol ko kung bading ba yung mga lalaki.

Ako naman shempre defense kaagad. Sabi ko mga lalaki yun, which is true. Di ko na lang binanggit yung preference para hindi ma-confuse si mama at yung utol ko.

Sana, dumating ang time at makameet ko ulit sila, Marahil sa BED o saan mang spot kung saan namumugad ang mga bading. Gusto ko rin naman makabawi sa kanila sa kabutihan nila sakin.

Nakakatuwa lang kasi parang ang dating saki nung nangyari eh para bang heto ang payback sakin ng sangkabadingan sa lahat ng panahong ako naman ang nagproprovide ng tulong sa ibang katulad ko. Masyadong mababaw, pero para sa aking naghahanap ng solace matapos kong mahaggard sa mga events kagabi.

Langit na sakin ang ginawang tulong ng mga lalaking yun.

Friday, July 1, 2005

Bed Full Of Surprises

I was so disappointed and upset after I've seen the movie War Of The Worlds.

Who would be? After they have published that it was the most expensive film ever made - and was even a Steven Spielberg film, there were a lot of lapses that made me puzzled the entire time I was watching the movie.

Imagine, who would believe that Tom Cruise drove a working car when in fact, all other cars in the entire city can't even start its engine. And, how on earth did his son survive a loosing battle, when every living creature in the vicinity were sucked and transformed to become the alien's nourishment.

I have to agree though that the build-up of the story was extremely amazing, if not horrifying, but the end was sooo cheesy, I would have wished that everyone should have died instead. Or they have shown a vast human space fleet bombarding Mars and brings the alien invaders to their knees.

But... of course, they adapted this movie from the book. Everyone who read it before they've watched the movie can clearly see the similarities.

However, its obvious that they fast-tracked the ending of the story and it produced a very cheesy and calculated redemption of characters. Kumbaga, its so mababaw and corny that all the efforts in building up the climax was simply laid to waste.

Besides, the dialogues of the main characters were so boring and so artificial. I think Spielberg should have chosen a different writer instead.

---

At dahil super depressed at upset ako sa napanood ko. Diretso kaagad ako ng Malate para isayaw ang anumang kinasasama ng loob ko.

It would have been a very typical BED night. Sayaw sayaw, tanong tanong kay Toy Armada the title of the track he played and fishing around guys that caught my fancy.

The only difference was, tonight Arrjae partied with me.

Si Arrjae ang unang naging dance partner ko sa Mint noon. Siya rin yung kasa-kasama ko sa Mister Piggys bago nakita ni Meng-meng ang joys being in the dark room. Habang dedmahan kami ni Roy at one time, si Arj ang naging partner-in-crime ko. At yeah, marami rin kaming mga adventures na nagawa together.

Kagabi naaya ko siyang bumalik sa BED to celebrate our old times. Its been a year na rin ata nung last time kaming nagkasabay mag-clubbing nitong tropa kong to, and I guess this is a good time to reassure each other with our friendship.

Pagdating niya sa loob ng club, hinigit ko kaagad siya sa ledge. At doon nag-boy watching kami hanggang sa naging familiar samin ang tinutugtog ng DJ.

Nandun rin yung bago kong supercrush na nameet ko last week na kamukha nung gwapo kong classmate nung highschool. Sabi ni Arj, wala daw dating sa kanya yung guy, pero sobra kasing boyish looking niya eh at ang ganda pa ng hubog ng katawan kaya naman talagang bentang benta sakin.

Masaya na sana ako sa ganung mga scene nang biglang may kumalabit sakin.

Si PJ pala, ang dating batchmate ko sa college!

Last time na nagkita kami eh two years ago pa. Sa Orosa rin nagkabistuhan na lang.

Noong college kami deins ko ineexpect na magiging magkadugo pala kami kasi naman nung mga panahong yun, kasama pa siya sa basketball team ng major niya. Tapos sa tangkad niya saka sa tikas ng katawan hindi mo talaga siya mapapagdudahan.

College pa lang friends na kami kaya naman nung nagkita kami nitong tropa kong to, parang wala nang hiya hiya sa aming dalawa.

So pinakilala ko siya kay Arrjae at nauwi kaming tatlong nagboboywatching sa ledge.

Kakaboywatching namin, biglang may hinigit itong si PJ na familiar rin saken ang mukha. Di kami close nung college pero sikat siya sa amin dahil tumakbo siya sa student council noong third year kami.

Yun pala, friend siya ng isa kong ka-partymate noon. At secret crush pala ni PJ sa college. Pinakilala siya sakin, Rey pala ang pangalan niya.

---

Unlike kaming dalawa ni PJ, medyo bago pa lang sa gay scene itong si Rey kaya naman medyo uncomfortable pa siya makirelate sa mga bakla. Narinig ko pa nga na sabi niya samin na kami lang daw dalawa ang dapat makaalam na nandun siya last night.

As if naman itatalak namin yun sa buong batch.

Marami kasi sa amin ang closet nung nasa college kami. Pero nung nakalabas na, hayun kung saan saan nagwawala. Marami na rin akong na-encounter na mga surprisingly non-straight samen. Yung iba, di makapaniwala na magkapareho kami ng dugo. Yung iba naman, masaya na magkapareho pala kami ng lahi.

---

Masaya na kaming apat sa ledge ng biglang umakyat si "prinsipe" sa tabi namen.

Si prinsipe yung tipong guy na talagang kapag humataw sa ledge eh nagwawala. Noong isang taon pa lang, nakikita ko na siyang sumasayaw sa tabi ko pero dedma lang. Di ko naman siya type at isa pa, hindi siguro ako papasa sa standards niya.

Sa loob ng mga panahong nagkikita kami doon every friday, isang beses ko pa lang siya nakitang nakipagtorrid sa lalaki.

At siya rin yung nakabiktima kay Joy, ang gerlet na naging friend ko a month ago dahil sobrang upset siya dahil naka-torrid pala niya iyong si prinsipe only to find out na hindi pala siya totoo.

Imagine taon mong katabi sa ledge, linggo linggo ginagawa mong inspirasyon para humataw ka rin sa ledge, at linggo linggo nakikita mong dinededma ang mga bading na gusto makipagsayaw sa kanya;

At kagabi mo lang siya nakausap for the first time.

---

Marami akong nalaman sa kanya mula sa name niya, age niya at kung ano ang work niya. Kulang na nga lang tanungin ko ang favorite color niya at favorite food eh. Lol. Pero ang iniwasan kong itanong sa kanya eh yung preference niya. Mahirap na kasi eh.

Sabi niya sakin, pumupunta siya sa BED to party and not to fish around. Sabagay may point siya. Kaya rin lang naman ako pumupunta sa lugar na yun eh to enjoy and not to fish around - well except this past few weeks na medyo nagiging magulo ang takbo ng utak ko.

Napansin ko na every time, lumalapit siya ng pwesto malapit sakin.

Yun pala nakahanap siya ng excuse para umiiwas dun sa mga nanghaharass sa kanya.

Nakakatuwa lang kasi dahil siguro nag-payoff rin yung taon naming magkasama sa iisang lugar kahit na hindi kami naguusap.

Sabagay, kung siraulo lang ako, nakijoin ako sa harassment sa kanya pero hindi eh.

Yung respeto sigurong pinakita ko sa kanya ang nagtulak sa kanya para pagkatiwalaan ako.

---

Anyway, para na rin siguro maging comfortable si prinsipe, pinakilala ko siya dun sa apat na katropa kong nandun last night.

Big thing na rin na napalibutan namin siya kaya kahit paano walang nangahas makipaglandian saming lima dahil occupied namin ang isang portion ng ledge na exclusive lang samin.

Later that night, balak pa sana namin magtapsilog sa labas. Pero tamang tama, nung paalis na kami, biglang hinigit ni Great itong si Arrjae.

Mukhang wasted si Great last night at dahil merong silang previous "bond" nitong tropa ko, di ko alam kung umabot pa sila sa ikapitong langit kaninang umaga. Umuwi na rin kasi ako matapos akong iwanan nung dalawa pa naming kasamang sa sobrang gutom na eh hindi na rin nakatiis magintay.

---

Sumakay ako ng taxi mag-isa.

Dapat sana kasama ko si Arrjae hanggang sa may amin.

Feeling ko, depressed ako dahil nagsisink in pa rin yung disappointment ko jan sa War of the Worlds na yan.

Depressed rin ako dahil hindi ako nakipag-flirt sa BED kanina.

Ewan ko ba, lately kasi para talagang tinatamad na ako sa relasyon ko kay Phanks. Na-coconfuse na rin kasi ako dahil feeling ko, pinabayaan na niya ako. At di ko na rin priority na tingnan pa ang welfare niya.

Pagod na rin kasi ako eh na ako na lang lagi.

Anyway, nachika ko na naman si Toy tungkol sa line up niya ng dance tracks kagabi sa BED. At nagbunga yun ng dalawang tracks na na-download ko kanina sa Limewire.

In a weeks time, updated na ako sa aking BED collection.

Higit sa lahat, what uplifted me more is to see the prince talking inside BED last night. Sabi nga niya, nakakainggit daw kami dahil magkakatropa kami. Siya laging nag-iisa lang.

Well who knows. Baka in a weeks time, kasama na siya sa mga bagong import.