Monday, May 16, 2005

Money Matters 2 (Don't Read This If You're Filthy Rich)

All those switches in languages left me grasping for words.

---

I finally recieved my salary this afternoon, which I used to pay for bills I postponed paying last week. I thought we were really a goner this time, since the household is just dependent on whatever it recieves from my dad's security agency.

However, what is left of his holdings may not be there tomorrow. I've heard that they were facing some huge financial problems - like those we see in the publishing company. At the same time, I have never seen those companies being that stable ever since.

I never believed that businesses and companies are stable in the first place.

---

After I recieved my salary, my first impulse was to separate my expenses for 15 days from what I can enjoy as my personal money. As I remembered and calculated all my dues, it seems like nothing would remain from that sum of money.

Not even for kikay expense, if there is any...

But before I let go of them, I decided to buy a pair of shoes in Avenida to replace my old one, which has a sole as thin as paper. Don't ask me how much did I bought it... but I have always been known as a cheapskate.

Probably, you'll get an idea on how I spend things for myself with that.

Anyway, I am hoping that the money I lent to the publishing company two weeks ago would be returned to me this week.

If ever that happens, I am pretty confident that I would get out of the red next month.

Good luck to me.

---

Have you ever wished of waking up one morning with the news that someone had deposited 5 million pesos in your bank account?

What would you do with the money? would you tell the world that you're a millionaire, or keep it as a secret until it's too late for people to react to the life changes you had experienced?

Because I've been harboring this thought since last night, after mom and I watched the grand finals of that singing competitions in ABS-CBN, in which a former construction worker from Bohol was declared the champion.

In fairness to him, I rarely appreciate pop idols. But when I heard his voice, I became suddenly awed by his performance.

Pero what if you were in your shoes, what if you wake up one morning 5 million richer than you once a day before? how would you live your life?

---

Perhaps, the main impulse of people would be to splurge here, there and everywhere. Perhaps they would give some part of the amount to charity or balato relatives and close neighbors in the community. I think this is the Filipino culture, this is what typical pinoys would do with such huge sums of cash...

No wonder, in less than three years most of the money you've got from some prize show or something were all gone, thanks to those endless splurging and giving assistance to others.
But for me, I think I know by now how would I spend it... probably I know how would I put it on something so that it would grow and prosper, not just get out without having something in return.

You see, when you know how to keep money, you would never simply splurge on things that would give you any return.

If I knew one morning that someone deposited 5 million in my account, I'd most likely keep it a secret so that no pesky relative, or neighbor would ask me for a balato or something. Probably, I'd tell it to my mom's sister, who is the most affluent and most practical in the family to have some sound financial advises on how I would use that money... but like I've said, I won't tell anyone. If I am gracious, perhaps with our workers, they would just recieve an envelope with probably 3k on it as balato - but of course, I won't tell them that I am an instant millionnaire.

Instead of diverting those funds to my dad's ailing companies, I would secretly buy a house and a car, which I would probably name to my sister to secure my mom of a future we never have today. Forget all the creditors that pursues my dad, this time they would get nothing from us.

Lastly, probably I won't splurge that much to charity. I might give some, but not too much for people to notice. I think silent and sincere prayers of thanks would be enough. There would never be any fanfare, celebrations, or PR of some kind if ever that happens.

Whatever remains from all those security-building measures I did with my 5 million would be deposited in several banks to ensure ourselves that we would have something to run into in case of emergencies. After all, nothing is certain so at least, we would have something to prepare in case of some unforseen things that would pose a threat to our quiet lifestyle.

Ang sarap rin mangarap minsan, kahit na gising...

... But yeah, it's just a daydream and nothing else.

Back to the real world joms. There are a lot of things to bum around for tomorrow.

Saturday, May 14, 2005

Kwentong Malars

Naidlip ako matapos ko isulat ang makabagbag-damdaming entry ko kanina. Palibhasa'y pagod at shocked pa rin sa nangyaring negosasyon kanina kasama ang aming partner kaya hayun, humiga lang ako ng kama, at nang magising ako ay pasado alas-nuwebe na.

At dahil suot ko pa rin ang damit panlabas ko, reading-ready pa rin ako maglakwatsa sakali mang may ODDER na magtawag ng contingent. Eh kaso mo, wala... at mukhang lahat ng baklitang kilala ko eh busi-busyhan ngayon gabi. Kaya hayun, bagsak ang beauty ko sa may kanto ng kalye namin, naghihithit ng Malboro Green habang nag-iisip kung sino ang pwede tawagan para may kasama akong rumampa.

Pero pramis, nagdadalawang isip talaga akong umalis. Kasi ba naman limandaan na lang ang pera ko sa ATM. At the same time, iniisip ko rin kung ano ba ang gagawin ko sa Malate - ayoko namang tumunganga dun na parang tanga habang lahat ng nasa paligid ko eh walang inatupag kundi magchismax ng kung sino sinong bading na hindi ko naman kilala. Higit sa lahat, hindi naman ako kekerengkeng para magpatambay tambay dun. Gusto ko lang naman magsayaw dahil feeling ko eh tumaba na naman ako, yun lang.

---

Tinawagan ko si Paldeng para sana ayain lumabas. Eh kaso mo, merong lakad kinaumagahan kaya hindi pwede. Buti na lang, bago ako pumasok ulit ng bahay at magbihis ng sleeping wear eh biglang nagtext sakin ang ever kumare ko in crime na si Roy. Mukhang badtrip sa lalaki niya, kaya hayun ako ang pamalit.

Palibhasa'y atat na atat akong mag fly-away palayo ng bahay kaya super paalam kaagad ako sa aking mudra para makaalis. Nung una, kala ko haharangin na naman ako ng aking sister (totoong sister to ha), Buti na lang at walang masyadong sagabal sa pagpapaalam ko kaya madali naman akong nakalayas.

Pagdating sa Malate, natagpuan ko ang baklita sa MyPad na nagbabasa tungkol sa bodybuilding sa PEx. Sabagay, mukhang seryoso talagang magpaganda ng katawan ang aking kumare kaya naman hayu't hindi ko mapilit mag-log out para rumampa na kami ng Orosa.

Bandang hatinggabi eh nagbayad na rin siya ng rental. Habang naglalakad, kwento-kwento tungkol sa kanyang date na balak siyang isama sa isang orgy sa may Pasay habang nagbo-boy watching kami sa lungga ng mga bakla.

Totoo ang sabi nila na ang Malate noon ay hindi na ang malate ngayon. Marami na sa mga kilala namin ay mukhang nagtago na, kung hindi naman, nagtransform na sa kung anong anyo na talaga namang hindi na namin makikilala kapag nakasalubong namin ngayon.

Tsismis nga ni Roy, meron siyang naka-jug na lalaki na dumaan sa harap namin. Sabi niya, noon daw, asti-astigin pa yung guy na yun, pero nung nakita namin kanina eh wala talagang tatalo sa kagandahang lumakad ng bakla.

Hay ganun siguro talaga ang buhay, habang napapasabak ka queer culture na ginagalawan mo, pati takbo ng utak at kilos mo nagbabago. Naalala ko pa nung dati, kumakaripas ako ng takbo papasok ng La Dida sa takot na baka may makakilala sa akin. Ngayon, ako pa ang nakikipagbeso-beso sa mga badiday na akala ko eh straight noon, eh yun pala kalahi ko rin pala.

---

Bandang ala-una, sabi ko kay Roy na papasok na ako ng BED. Heto kasing si Roy eh talaga namang pa-demure ang drama sa buhay. Hinding hindi mo maaaya sumayaw sa club kaya hayun, apat na taon na kaming magkatropa pero pagdating sa paraan ng gimmick eh ibang-iba kami ng trip.

Hinatid ko si kumare sa sakayan at pagbalik, nakita ko si Marvin na isa naming ka-tropa na patakbo sa akin. Paglapit niya, kaagad na nagyakapan kami sa gitna ng Orosa na akala mo eh kami lang ang tao dun. Yun pala eh kasama niya yung bago niyang boylet na pumalit sa ex niya na bri-neak niya two weeks ago, na ex ko rin two years ago at ex rin ng isa pa naming barkada pagkatapos ko . Ang saya ng eksena diba? Imagine nagwarlahan pa kami nung tropa kong yun nung January matapos kong malaman na tinuhog rin pala siya ni ex, pero nung namatay ang aking fadir at nung nagcondolence siya sa akin, nagbati na rin kami.

Sabagay, sa ganito namang buhay eh pwede mo pagpalit ang boylet sa kaibigan mo eh. Mas mahirap ata humanap ng tropa na hindi ka gagahasain ah! Siguro, sa tinagal tagal namin, kahit paano masasabi ko rin naman na respetado ako ni Marvin, kaya hanggang ngayon eh isa pa rin siya sa aking mga closest sisterette.

Anyweis, hindi na rin nagtagal ang tsikahan namin ni Marvina kasi naman atat na atat na talaga akong pumasok ng BED. Sabagay, kahit siya eh baka hinahanap na rin ng boylet niya kaya nagpaalam na rin ako.

Ang buhay nga naman... nung nandito pa si Omeng sa Pinas, hindi nangyayari sa amin ang ganito, hindi kami gumigimik na kanya-kanya at hindi lumalampas ang isang linggo na walang pagsasalo na dadaluhan. Sabagay, everything changes ika nga. Hindi mo rin naman masisisi ang mga tao kung bakit hindi na nagsusulputan tuwing may nagtatawag ng Contingent. Bukod sa nagkakatamaran na eh iba iba na rin ang priorities ng karamihan...

---

Pagdating sa BED, diretso ako kaagad sa CR para mag-refresh ng fez. Sa sobrang init ng panahon ngayon, kahit gabi eh dudugyutin ka pa rin sa dami ng pawis na lumalabas sayo.

Habang papalabas ako ng CR eh may nakita akong foreigner na talaga namang titingalain mo sa sobrang tangkad. Ok na sana ang katawan, pero sablay ang buhok dahil naka-pony tail. Dahil dun, every time na nakikita ko siya kanina kasama ang kanyang date na mukhang si Panchito, naiisip ko na parang nakita ko na rin si Conan The Barbarian. Yun nga lang, barbarian rin kaya ang putotoy niya? Hehehe.

---

Everytime na nasa BED ako, ang lagi kong sinasayawan eh yung elevated portion na katapat ng ledge. Ewan ko ba, pero kapag dun ako sa dance floor sumasayaw eh parang burat na burat ako palagi.

So sayaw sayaw na ako hanggang sa dumami na ang tao. Mukhang gabi may pageant sa BED ngayong sabado kasi sobrang nagkalat ang effem sa BED, hindi gaya minsan. Karamihan sa kanila, mga junjunin na akala mo eh kagandahan at talaga namang lumilipad ang mga kamay kapag sumasayaw. Meron namang mga mukhang maestra na pag tumili eh kala mo makakabasag ng San Miguel Light na iniinom mo.

In fairness naman, sa kabila ng mga nasa-sight kong mga kagandahan sa loob ng bar, eh meron rin namang katakam-takam (at nakaka-inggit ang mga katawan) sa kanila. Yun talaga, mapapakamot ka ng ulo dahil hindi mo maiisip na yung mga model-modelan na yun eh lalaki rin pala ang hilig.

Ang badtrip nga lang, hanggang tingin ka lang sa kanila. Heto ang maganda kapag kapangitan rin naman ang katawan mo, at mababa ang self esteem mo sa sarili mo... kahit paano mahihiya kang dumikit sa kanila at baka sabihin eh nangtsatsansing ka lang. Sabagay, noon kasi badtrip rin ako kapag merong bading na mukhang ewan na bigla na lang mangyayapos sayo tapos magfefeeling na kunyari kayo ang magpartner. Yun ang nakakainis eh, kaya kahit kelan maingat ako pag nagaapproach ng mga lalaki kapag nagcru-cruise ako noon.

---

Habang kumakapal ang tao, di ko na rin naiwasang hindi tumingin tingin kung saan saan. Sabi ko nga, masarap lang tumingin ng whammy kasi nakakabusog sa mata. Pero landian wise, tatamaan ako ng kidlat kapag ginawa ko talagang maglandi sa mga yun.

Ako etong tumatakas sa aking buddy para magsolo gumimik tapos pati tiwala niya eh sisirain ko rin. No way na lang, madami pang panahon para umisip makipag-jug kung kani-kanino. Tama na muna itong iisa lang. Ayoko rin namang gawin niya sa aking yun.

Anyway, sa pagmamasid ko eh parang may natanaw akong kakilala. Alam ko siya yun, kahit hindi pa kami personal na nagkikita. Napansin ko siya kasi pamilyar sa akin yung kanyang balbas-sarado. Andun siya sa baba ng ledge, humahataw sa pagsasayaw.

Ilang beses ko rin tinawag ang pangalan niya, pero dedma lang. So kahit masakit mang iwanan ang trono ko sa platform (at agawin ng impostor na iba na walang inatupag kundi magyosi yosi dun at magpose pose instead na sumayaw), napilitan rin akong bumaba para kilalanin siya.

"Are you McVie the blogger?" tanong ko.

Nung una, hindi niya masyadong narinig yung tanong ko pero dun pa lang, alam kong kilala niya na ako dahil sa positive response na binigay niya sa akin.

In the end, nagkaroon ako ng instant eyeball. Usap usap kami ng konti, pero dahil hindi naman kami ganung magka-blogmate pa kaya bumalik rin ako sa aking platform matapos nun.

Mukhang nagkataon na parehong gabi kami nagpunta ng BED, kaya hayun nagkaroon kaagad ako ng instant friend.

Nalaman ko na lang na meron pala siyang isa pang kasamang blogger na nandun. Talaga atang sinadya ng pagkakataon na magkita kita ang mga magkaka-connect sa blog ah! At hindi lang yun ha, meron kaming iisang tao na talagang inaabangan dun. In fairness naman dun sa inaabangan namin, eh talaga namang nakakamangha ang kanyang journal dito sa blog. Kaya na rin nagkaroon ng karagdagan sa aking lenggwahe eh dahil rin sa kanya.

Ilang sandali pa bago ako tumungo sa bar area para humingi ng tubig sa bar, eh may napansin akong isang guy na pamilyar rin sa akin.

Heto, ilang buwan ko na ring inaabangan ang mga entries sa blog niya kahit hindi pa kami ganung nagkikita... ganito kasi sa blog eh, kahit hindi mo pa personal na nakikita ang isang binabasa mong journal eh parang antagal tagal niyo nang magkakilala. Kaya nung naabutan ko siya, lapit kaagad ako sabay hawak sa balikat niya.

"Are you...?" Tanong ko.

"What?" Reply niya with an accented voice.

Siguro dahil sa dilim sa dance floor kaya hindi niya ako kaagad namukhaan, pero nung nalaman niya na ako pala yun, bigla kaming nag-hug na akala mo eh matagal na kaming tropa tropa.

Sa unang pagkakataon, na-meet ko rin si Felipe! At hindi lang yun, kasama pa niya ang kanyang bagong pope!

Kagaya rin ni McVie, isang tao lang ang inaabangan namin. Nakakatuwang isipin na dahil lang sa isang entry niya eh na-inspire kaming mag-abang abang at umasang baka sakaling isa siya dun sa mga bading na nasa loob ng BED. Biro ko pa nga sa kanila, baka yung inaabangan naming yun eh nasa Red Banana para ma-sight si Duke. Pero who knows nga naman, baka nga isa dun sa mga lalaking katabi namin eh siya pala yun.

---

Matapos ang pagkikita naming tatlo, bumalik na muli ako sa aking trono para sumayaw. Sa pagmamasid, narealize ko na yung katabi ko palang malaking bading eh mukhang hip-hopper na basagulero.

Naalala ko tuloy yung reaction namin ni Roy nung gabi ring yun na may dumaan sa harap naming hip-hop ang get-up at papunta sa nagkukumpulang mga tsiks at kapwa hip-hop niya dun sa isang bar sa Orosa. Naisip namin, paano kaya kung yung mukhang basag-ulong yun na malaki ang t-shirt at malaki ang pantalon at semi-kal ang buhok eh biglang sa BED nagpunta at naghihirit ng "Mader, mader" habang palapit sa kanyang mga tuklingin friends.

Nakakashock pagmasdan siguro yun.

---

Bukod pa dun sa mukhang hip-hop na malaking mama na katabi ko, napansin ko rin yung dalawang guys na nadaanan ko sa may ledge habang papalapit kay McVie.

Napatingin ako sa kanila before kasi yung isa sa guy eh kabuhok ni Asi Taulava, tapos narinig ko pang tinanong nung medyo effem na kasama niya kung bakit nag-a OUT si Taulava guy sa kanya.

Napag-isip isip ko later on na bakit kelangan pa niya mag-OUT samantalang sa loob pa lang ng BED eh putok na putok na bading siya talaga.

Nung nakita ko sila afterwards, nagtotorrid kissing na. At mukhang si Asi Taulava guy eh excited na excited pasukin si effem friend niya base sa porma at kilos ng pagsasayaw nila.

---

Sumayaw saya pa ako ng kaunti pero nagpaalam na rin ako nung napansin kong medyo nagiging mae-elya na ang mga bading sa loob.

Delikado kasi para sa akin ang maiwang nag-iisa lang kasi naman talagang nakakapang-init (kung hindi man nakakainggit) ang mga eksenang nakikita mo. Kaya hayun, nag-goodbye ako kay McVie na humahataw na ngayon sa ledge sabay exit ako ng BED nang hindi man lang lumilingon para iwas temptation.

Paglabas ng bar, dumaan ako sa may tapat ng Red Banana.

Actually, nung pagdating pa lang namin ni Roy dun, wala na akong inatupag kundi mag-sight ng tatlong bading; isang mukhang pastor na military at isang chabelita kasama ang isang di naman katangkaran pero pa-mhin na bading. Umaasa talaga ako, siguro gaya ni McVie at Felipe na... andun sana si Badinggerzie sa Orosa kaninang gabi...

Gumagawa ng eksena na siyang magiging headline ng blog niya isa sa mga araw na susunod.